Thursday, January 7, 2016

Unsent Letter


May nagbabalik... Nakita ko lang 'tong entry na naka-pending.. Tatlong buwan mula nang pumanaw ang nanay ko... Unang post ng taon, para sayo 'Nay! :) But technically, this was 3 years ago.. :)
________________________________

May 12, 2012

Dear Nanay,

Sakto tatlong buwan na pala simula nu'ng umalis ka. Pakiramdam ko lampas tatlong dekada na ang nakaraan, sobrang miss na kasi kita. Pasensya ka na kung patuloy pa rin ang pagluha ko sa tuwing maaalala ka. Kamusta ka na d'yan? Maganda daw sa lugar na pinuntahan mo. Nababalot ng ginto at araw-araw ang piyesta. Alam ko masaya ka d'yan at paniguradong marami ka nang kaibigan. Tatlong buwan... Parang ang dami nang nangyari buhat ng umalis ka.

Naging masaya 'yung 1st birthday ni Seth tulad ng gusto mo. Tama ka nga dapat talaga may clown. Kahit hindi pa nakakapagsalita si Seth, alam ko hinanap ka nya nu'ng birthday nya. Ikaw naman kasi umalis ka agad. :-) Isa pa, lumipat na ako ng opisina. Saka, mukhang tuloy na ang pag-aaral ko ng abogasya. Pumasa na kasi ako sa entrance exam at interview. Lalo kitang namiss kasi alam kong matutuwa ka na naman sa 'kin kahit pa sawang-sawa ka nang nag-aaral ako. Alam mo namang ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. 'wag kang mag-alala, mag-aasawa din naman ako. :-) Napasyal ako dun sa kinainan natin dati, hindi ko maiwasang maiyak. Parang kasing nakikita ko pa yung masasayang picturan natin. 'yun na pala yung huling labas natin. :-( Ang dami kong gustong ikwento sayo, naipon na kasi sa loob ng tatlong buwan. Hindi ka na kasi tumatawag katulad ng dati.

Sana ikaw pwede ka ding sumalat ng liham para sa akin. Maibalita yung mga ginagawa mo dyan.. Siguro madami ka na namang kaibigan dyan no? Pinatatawa mo na naman sila sa mga kwento mo. Ibinibida mo na naman kami sa kanila..

Sana nga makaabot sa langit 'tong liham ko... Kasi sobrang miss na kita... :'(

Mahal na mahal kita 'nay!

Ang pinakabibo mong anak, :)
Bebejho!

Friday, February 17, 2012

Hanggang sa muling pagkikita...

Rurok ng hirap at pagsubok iyong nalasap
Hindi nagpatinag dahil si Jesus ang kayakap
Dumanas ng sakit maging ng lngkot
Pero puso’y ni minsa’y nde man lang namoot.


Okay lang ang laging tugon kahit sa problema’y baon
Ngiti’y nde nawawala sa kahit anong pagkakataon
Ligayang natagpuan mo kay Jesu-Kristo
Ang laging tangan saan ka man madako.


Sa pag-aaruga at pagmamahal ay hindi nakulang
Kabutihan naming ang laging isinasaalang-alang
Responsbilidad ay buong puso mong niyakap
Kahit makailang ulit na ika’y aming nasaktan.


Ilang laban na ang hinarap para kami’y protektahan
Hindi baling ikaw ‘wag lang kami ang masaktan
Dakilang pagmamahal ang sa ami’y ipinaranas
Hindi kayang sukatin kahit na sinong pantas!


Lambingan at kulitan, iyak at tawa maging daing at saya
Lahat ng tungkol sayo sa puso ko’y nakaukit na
Yakap at pag aasikaso mo ang mamimiss ko
Maging mga kwentong nde maubos-ubos.


Ano mang salita ko’y nde kayang tumbasan
Lahat ng pasakit at hirap na narasanan
Salamat ‘nay sayong dakilang pagmamahal
Salamat sa alaga maging sa mga banal mong aral.



Paalam nanay ko hanggang sa muling pagkikita...


Sunday, December 25, 2011

Maligayang Pasko!

“Tuwing sasapit ang Pasko,
Namimili ang mommy ko
Ng mga panregalo
Para sa araw ng Pasko.

At itong aking daddy
Gumagawa ng Christmas tree
Sasabitan ko naman ng mga laruan ang mga kendi
Na iba’t ibang kulay”


Mahilig akong sumama sa pangangaroling nu’ng bata ako kahit ayaw akong payagan ng pamilya ko, takot na kasi silang mawala ulit ako kaya bawal na ang lumabas ‘pag gabi. Bukod sa pamosong Sa may Bahay, paborito ko ding kantahin ang Tuwing Sasapit ang Pasko na hanggang sa ngayon ay hindi ko alam kung yan nga ang pamagat ng kantang yan.

Simple lang naman ang mga kailangan sa pangangaroling – lata ng gatas na walang laman, plastic ng bigas, at goma meron na kaming tambol, pinitpit na tansan at alambre para maging tamborin at ang mala-anghel na tinig ng mga kasama ko pwede na kaming mangaroling. Mga pinsan kong lalaki ang lagi kong kasama para mabilis magsitakbo ‘pag hinabol kami ng aso. Matapos ang isang gabing pagkanta at pag-iwas sa mga aso, masaya naming paghahatian ang aming napangarolingan. Simpleng buhay, masaya yan ang buhay ng bata.

Nu’ng bata ako, minamadali ko ang pagtanda. Gusto ko ng magtrabaho, ayoko ng mag-aral. Gusto ko na ang mag-heels ayoko na ang school shoes. Gusto ko na ang shoulder bag ayoko ng magback pack. Gusto ko ng tumanda, ayoko ng maging bata!

Pasko na naman, muli kong narinig ang mga batang nangangaroling. Naaalala ko na naman ang simple pero masayang buhay bata. Ngayon ko naiisip, hindi pala dapat minamadali ang pagtanda kasi minsan lang talaga tayo magiging bata. Sana pwedeng iwan ang pagiging matanda at bumalik sa pagkabata.

Sana pwedeng bumalik sa panahon na ang pinakamasarap na pagkain ay spaghetti at fried chicken, pinakamasarap na drinks ay yakult at ang pinakamasarap na panghimagas ay jellyace.

Sana kaya kong bumalik sa panahon na ang paglilibang ay paglalaro ng siyato, patintero, luksong baka at tumbang preso – libre walang bayad.

Bumalik sa panahon na ang mansanas (Apple) ay nasa hapag at masarap na rekado sa fruit salad, at ang duhat (Blackberry) ay masarap ikalog sa asin.

Bumalik sa panahon na ang tanging alam mo lang ay a-ba-ka-da at multiplication table at wala kang pakialam kung ito lang ang alam mo dahil ito lang ang importante sayo. Mas gusto mo ang tsokolate kesa pera kasi nde naman nakakain ang pera.

Matanda na nga ako, nagiging kumplikado na ang bawat problemang nakakasalubong sa paglipas ng bawat araw kaya mas lalo kong ginugustong maging bata na ang tanging problema ay math problem na lagi namang may solution sabi ni teacher.

Simple, payak, kuntento at masaya yan ang buhay ng isang 8-taong gulang na bata.

Ang Pasko nga daw ay para sa mga bata, sana maalala ako ng ninong at ninang ko. :)

Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Friday, December 9, 2011

My Heart's Psalm

I’ve been searching for quite sometime
A lot had happened deep within me
Things have changed and can’t deny
Embossed in my heart and it made me cry.

It’s been awhile since I’m away
Loving the things that I play
Like a sheep gone astray
Longing for You to keep me stay!

You know my every breath
Turned me right when I am left
I can’t fathom how much You love me
All I know is I need it more so badly.

I can feel Your embrace when I am weak
Keeps me secured and warm week after week
Just hold me tight and never let go
I need You Jesus, I need You even more!

Tuesday, November 1, 2011

LaBiStoRi

Kamusta ka na? Pasensya ka na kung… m..m- medyo matagal bago ko nagkaro’n ng lakas ng loob para makipagkita ulit sayo. Hinanap kita, pero wala ka na pala dun sa dati nating kumpanya. Ang dami nang nangyari sa atin, medyo nawala ako sa sirkulasyon. Nagpalipat lipat ako ng trabaho, hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung ano talaga ang gusto ko.

Naalala ko pa yung mga kulitan natin sa office, yung mga kwentuhang hindi nauubos.. Ang daldal mo kasi, lagi kang maraming nasasabi. Nakakatawa ka.

“Bakit ba kasi ayaw mo pang mag-asawa? Ayaw mo ba talagang mag-asawa o takot ka lang? Na-trauma ka ba sa huling relasyon mo?”

“Ewan ko sayo She! Basta ayoko lang. Ayoko lang siguro nang may inaalagaan.”

“Hindi lang naman ikaw ang mag-aalaga, aalagaan ka din. Ayaw mo talaga?”

“Ang kulit! Kumain ka na nga lang.”


Ikaw na ata yung pinakamakulit na nakilala ko. Lagi mong pinipilit yung mga reasoning mo. Napakahirap magpaliwanag sayo. Hindi pwedeng “oo” o “hindi” lang ang sagot kasi lagi kang may bakit. Bakit, bakit at walang katapusang bakit.

“O, late ka na naman.”

“Oo eh, wag ka nang maingay.”

“Bakit kasi late ka na naman?”

“Para namang bago ka ng bago sa ‘kin eh lagi naman akong late.hehehe”

“Hay naku Mr. De Guzman!”


“Sssshhh!”

Simula palang nu’ng unang araw na magkakilala tayo marami ka nang kwento. Kung minsan nga gusto ko nang takpan ang bibig mo para huminto ka magsalita. Ewan ko ba, pero parang lahat ng tao sa opisina kakilala mo at lahat kinakausap mo. Hindi ka napapagod magsalita.

Siguro sadya lang talagang masayahin ka, kasi kahit may problema ka ganon ka pa rin. Madaldal. Laging masaya. Saan ka nga ba kumukuha ng enerhiya at tila parang hindi ka napapagod?

Matagal tagal na din nung umalis ako sa kumpanyan natin. Pero kahit umalis na ‘ko, hindi pa rin ako nakakawala sa alaala mo. Hindi ko makalimutan yung mga masasayang alaala kasama ka, hin..ndi kita makalimutan. Naduwag lang akong aminin sayo kung ano yung tunay na damdamin ko. Natakot ako, baka mawala ka. Isa pa, alam ko namang happy ang lovelife mo, ayoko nang manggulo pa. Kaya mas minabuti kong umalis na lang nang hindi nagpapaalam. Mahirap, at hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako.

“Ayaw mo pa rin bang mag-asawa?”

“Heto na naman tayo…”

“Sige na..”

“Alam ko naman magbabago pa yun. Siguro in the future, pero sa ngayon ayoko pa rin. Ayoko pa rin sa responsibilidad.”

“Alam mo, ‘pag dumating yung panahon na yun,sobra siguro kong maiinggit sa babaeng mapapangasawa mo. Kasi alam kong merong kakaiba sa kanya na hindi mo nakita sa ‘kin o kahit kaninong babae ngayon.”

“Sus! Ang arte!”

“Pa’no pala kung ikaw yung one great love ko? Pa’no pala kung ako talaga yung itinakda para sayo? Eh diba ang sabi minsan lang daw ang one great love?”

“Seryoso?!”

“Hehehe.. joke lang. Eto naman hindi mabiro. Oo na, ayaw mo nga ng commitment diba?.”


Matagal akong walang balita sa’yo. Ang alam ko lang magagalit ka dahil umalis ako nang walang paalam. Pasensya na kung hindi ko na naisip ang mga bagay na yun, gusto ko lang kumawala at hanapin kung ano ba talaga ang gusto ko. Naiinggit nga ako sa’yo, kasi alam mo kung ano talaga ang gusto mo sa buhay.

“Meron ka bang isang ultimate dream? Yung tipong gustung-gusto mong gawin simula palang nu’ng bata ka?”

“Ako? Wala. Hanggang ngayon nga hindi ko pa alam kung ano talaga gusto ko eh. Hehe.. Bakit?”

“Wala naman, meron kasi akong gustong gawin dati pa. Gusto ko ulit mag-aral. Gusto kong mag Law school. Pero hindi ko alam kung tama pa bang ituloy ko. Baka matanda na ko para sa pangarap na yun.”

“Alam mo, nakakainggit ka. Natutuwa ko sa mga taong alam nila kung ano yung gusto nilang gawin. Kung gusto mo talaga eh di gawin mo. Go!”


Nagpalit ka na din pala nang number at ayan nagpalit ka na din pala ng apelyido. Siguro nga tama lang na umalis ako nun, hindi ko rin kasi kakayanin na makita kang masaya sa piling ng iba. Hindi ko ata kayang makita kang masaya habang ako, wasak ang puso. Ang corny ko na, pasensya ka na.

Hindi ko alam kung nagawa ko na, pero gusto ko lang din magpasalamat sa’yo. Salamat sa lahat. Sa mga panahong kailangan ko ng kaibigan, nandyan ka. Salamat sa pagdamay mo sa mga panahong may problema ko. Salamat na palagi kang nasa tabi ko pag kailangan kita. Patawarin mo ako kung bigla na lang kitang iniwan sa ere. Hindi ko naman kasi alam na mahuhulog ang loob ko sayo. Hindi ko inasahang mamahalin kita ng sobra. Pinangunahan ako ng kaba at takot. Sorry kung ngayon lang, alam ko huli na ang lahat. Wala nang saysay kung anuman ang sabihin ko sayo. Gusto ko lang ilabas yung damdamin kong ilang dekada ko nang itinago. Mahal na mahal kita She!

“Excuse me po tatang, kaibigan po kayo ni mommy?”

“Ah, oo. Kaibigan nya ko. Anak ka nya?”

“Opo. David po.”

“David?”

“Sabi ni mommy para sa kanya everlasting love daw ang ibig sabihin ng pangalan ko. Galing daw po kasi sa one great love nya yung pangalan ko. Lagi nyang kinukwento yung taong yun. Dati nyang ka-opisina. Sabi nya sa ‘kin, minsan lang daw darating ang espesyal na pag-ibig at pag naramdaman ko na daw ito wag ko na daw pakakawalan kasi wala nang kasunod yun.”

“Ha? N-n-nasan ang daddy mo?”

“Matagal nang patay si daddy. Naaksidente sya nung 3 years old ako. Alam ni daddy ang tungkol sa one great love ni mommy. Tanggap nyang hindi sya ang magpapasaya kay mommy ng buong buo. Pero sabi ni mommy walang katulad daw ang pagmamahal sa kanya ni daddy.”

“Sorry to hear that.”

“Ok lang po. Ngayon ko lang po kayo nakitang dumalaw sa puntod ng mommy ko. Ano po pala ang pangalan nyo?”

“David.. David De Guzman, dating officemate ng mommy mo.”



~The End~

Wednesday, August 10, 2011

K-a-b-a-o-n-g

madeline (guest): hindi ito kailangan ng gumawa nito. hindi rin ito kailangan ng bumili nito. Ang gumagamit naman nito ay walang kamalay-malay na ginagamit na niya ito.

Ito yung tanong ni madz sa QB sa chatroll kahapon. Leading ang team BEBEPATO. Natetense ako habang tinatayp ang sagot sa tanong ni madz. K-a-b-a-o-n-g enter! Ayaw. K-a-b-a-o-n-g enter! Ayaw pa din. C-o-f-f-i-n enter! Biglang nawala ang chatroll. Sa sobrang tense, dahil house and lot ata ang premyo sa QB ni madz, naisip kong itext sila tong at PaQ nang bigla kong maalala na wala pala akong cellphone number nilang dalawa. Kaya naisip kong i-message na lang si PaQ sa FB.

Pero dumoble ang tensyon ko nang isang officemate ang tumayo at nagsabing “uy wala na daw si Amber” habang nagpipigil ng luha. Natigil ang lahat. Tumigil na din ako kaka-refresh ng chatroll at naisip ko ang kabaong.

Anak ng officemate ko si Amber, apat na taon palang sya. Bibo, malusog at magandang bata. Nasa prep na sya ngayon sa Notre. At dahil unang beses mag-aaral, excited pareho si Amber at ang mommy nya, yung officemate ko, at palagay ko pati ako. Lagi ko kasing tinatanong ang officemate ko kung meron na syang picture ni Amber na naka-uniform. Ganon kasi ako sa mga pamangkin ko at natutuwa talaga ako sa mga bata na nagsisimula ng mag-aral at naka-uniporme na. Kaya lang lagi nyang nalilimutan, kaya hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Amber na naka-uniform.

Dengue ang ikinamatay ni Amber. Halos araw-araw nang nasa balita ang notorious na dengue na animo’y naging epidemya na. Bawat baryo o lugar ata ngayon sa Pilipinas ay may kaso ng dengue. Si Amber ang kauna-unahang kakilala ko na namatay sa dengue. May mga officemates din ako na na-dengue ang mga anak pero naging ok naman. Kahit ang kuya ko na minsan ding na-confine dahil sa dengue eh gumaling din naman. Kaya nalulungkot talaga ako para kay Amber.

Hanggang kagabi iniisip ko ang kabaong, kung pumasok ba sa chatroll ang sagot ko o nakita na kaya ni PaQ ang message ko.

Kabaong. Marami ang takot sa usaping kabaong. Kadikit nito kasi ang usapin ng kamatayan, at palagay ko marami pa rin ang hindi pa masyadong kumportableng pag-usapan ang ganitong bagay. Hindi ko alam kung takot ba tayong mamamatay o takot tayong maiwan ang mga kayamanan. Lels Sabi nga ni j.kulisap masyado daw kasing close ang bonding ng Filipino families at emosyonal kaya parang mahirap ang bumitiw. At talaga namang nagpapalungkot sa atin maisip palang natin na may mamamatay sa mga kaibigan, kakilala o kamag-anak natin.

Pero kung iisipin, araw-araw ay 50-50 lagi ang tsansa natin para mabuhay o di kaya ay mamatay. Kung sa umaga dumilat pa ang mata mo, congrats! Kung natapos ang araw na may hininga ka pa, winner! Walang sinuman ang makapagsasabi kung hanggang kailan na lang ang buhay ng isang tao. Hindi kasi natin kontrolado ang mga pangyayari at hindi natin hawak ang buhay natin. Sabi nga, pahiram lang ang buhay na meron tayo, nasa Kanya na kung kailan Nya babawiin.

Hindi naman dapat katakutan ang usapin ng kamatayan, dahil katulad ng monthly period ng mga babae, darating at darating tayo dun. Una-unahan lang kumbaga. Ang tanong, handa ka na ba? Ano bang buhay ang maikukwento mo sa Kanya?

Let’s live each day as if it is our last day on earth. Live it well. Live it wisely. Live it for the King!

Bye Amber, thanks for the hugs and kisses... salamat sa pagkembot! 'til we met again!



Monday, August 1, 2011

The sheperd boy

Nasa ikatlong baitang ako nu’ng gawin namin ang stage play na “The sheperd boy who cried wolf”. Ito yung kwento nung isang batang pastol na para hindi mainip eh nagsisisigaw ng “Wolf! Wolf! Wolf!” at matataranta ang mga taga baryo para saklolohan sya. Cool diba?

There once was a shepherd boy who was bored
as he sat on the hillside watching the village sheep.
To amuse himself he took a great breath and sang out,
"Wolf! Wolf! The Wolf is chasing the sheep!"


Pinakabisado sa buong klase yung buong kwento ng dulang ito at pipili ang aming guro kung sino ang isasali sa palabas. Dahil hilig kong sumali sa mga extra curricular activities nu’ng bata ako, buong puso kong sinaulo ang dula. Binibigkas ko sya habang naglalampaso ng sahig, habang naglalaba ng lampin ng bagong silang kong kapatid, habang naghuhugas ng pinggan at habang nasa trono para lang matiyak na kabisado ko na nga buong piece.

Later, the boy sang out again,
"Wolf! Wolf! The wolf is chasing the sheep!"
To his naughty delight, he watched the villagers
run up the hill to help him drive the wolf away.


Dumating ang araw ng paghuhukom at isa-isa naming ni-recite ang kwento ng “The shepherd boy who cried wolf”. Labing-lima ang kailangan para sa cast ng dulang ito. At yehey naman dahil kasama ako sa casting! Asteeg!

Later, he saw a REAL wolf prowling about his flock.
Alarmed, he leaped to his feet and sang out
as loudly as he could, "Wolf! Wolf!"


Sa haba nang kinabisado ko, wala ni isa man lang sa mga salita ng “The shepherd boy who cried wolf” ang nasabi ko sa buong palabas. Labing-lima ang tauhan, 1 batang pastol, 9 na tao sa baryo, 1 asong gubat at 4 na tupa. Oo tama ka, isa nga akong tupa na walang ibang dialogue kundi “meee-mee-meee”. Pero infairness maganda ang costume namin, mabalahibo. 

We'll help you look for the lost sheep in the morning," he said,
putting his arm around the youth,
"Nobody believes a liar...even when he is telling the truth!"


Muling nanumbalik sa alaala ko ang dulang ito noong nakaraang linggo. Matapos kasi ang SONA ni PNoy ay napabalita namang isinugod sa hospital ang dating Pangulong Arroyo dahil sa stiff neck este “pinched nerve” pala. Kung minsan ‘pag nasanay na ang mga tao sa mga pagsisinungaling mo, mahirap na para sa kanila ang maniwala ulit. Mahirap na maibalik kapag tiwala na ang nawala.

Nalulungkot lang ako para kay GMA, na dahil sa mga ginawa nya noon, hirap na ang mga Pilipinong paniwalaan sya kahit pa buwis-buhay na ang eksena nya. Ito marahil ang kabayaran para sa mga taong mas pinili ang kalikuan kesa matuwid na daan. Ang aral ng “The shepherd boy who cried wolf” ay tumatak sa isip ko at talagang hindi ko malilimutan lalo na ang dialogue ko. (Hirap nun nakakatuyo ng lalamunan, try nyo!)

VOICE Lesson 3: Truth and Honesty

Mabuting asal ay sisikapin,
Pagiging totoo ay gagawin
Ginawa ako ng Diyos na katangi-tangi
Lahat ng nais Niya ay ikabubuti
Nasa Diyos lamang ang pag-asa
At ako ay kakasiyahan Niya!


(Ako na ang values teacher!)