"ito ang mga kwentong chalk ng buhay ko, mga kwentong maaaring mabura ng mga bagong kwentong hinahabi ng panahon!"
Saturday, July 16, 2011
Para kay J.K (Drooling)
Sabay-sabay ang mid-year sale, talagang sinasadya at isinabay sa sahod ng mga ordinaryong manggagawang madaling matukso sa 50% off on all items. Kahit hindi naman kailangan eh paniguradong bibilhin “naka-sale kasi eh” ang isasagot pa sayo. Nakatipid nga ba siya?
Pero hindi naman talaga tungkol dyan ang kwento ko. Sumabay pa sa mga mega-sale nay an ang last and final installment ng Harry Potter ni J.K Rowling. Inabot ng halos labing-isang taon ang pagbuo sa pitong libro ng Harry Potter. Uber talaga sa dami ng adik sa HP at talagang magugulat ka sa haba ng mga pila sa sinehan. Kaya nakakahilo ang dami ng tao ngayon sa mga shopping malls. Kasunod nyan ang napakatraffic na lansangan. Sumakit ang pwet ko sa tagal ng byahe.
Pero hindi naman talaga tungkol dyan ang totoong kwento ko. Kanina, hindi sinasadyang (oo totoo, hindi talaga sinasadya) mapadaan ako sa MOA. ‘pag tapos kasing maglaba, naisip kong bumili ng scramble sa MOA, masarap daw kasi ang scramble dun, may yelo at asukal kaya sinubukan ko. Hindi ko alam (oo totoo, hindi ko rin alam) na meron palang pagtitipon na nagaganap sa Max’s Restaurant sa bandang sulok, sa loob-looban ng restaurant. Sa dulong mesa, may kumpulan ng mga pamilyar na katauhan.
Masaya ang simpleng salu-salo at puno ng katatawanang kwentuhan. Nakilala ko ang mukha sa likod ng ilang kwentong nababasa ko sa blogospero. Mas makulit pa pala sila sa “live chat” kesa sa chatroll. Nakita ko na rin at nakamayan sa wakas ang kauna-unahang blogger na sinubaybayan ko sa loob ng ilang taon. Suma total, hindi ko talaga inaasahan ang pangyayaring ito. :)
At syempre, unang beses kong makasama si J.K sa ganitong pagtitipon. Kaya para kay J.K, maraming salamat mula kay Bebejho! Salamat din sa libro! :)
(pramis, hindi ko talaga alam 'to. wala kong ideya na may ganito palang pagtitipon. ni hindi ko nga napaghandaan ito.. napadaan lang talaga ako....)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
parang may iba kang ibig sabihin... hehe...
it was nice seeing you also as well as all those bloggers... till next time :)
ahahahha. kainaman.
napadaan lang talaga eh ano.
kainaman
Ito word verification:SIVIN
sana Sivin ang rating mo sa librong Para kay B. Lels
yehey!
Para kay B.
lels
salamat sa pagkakataong makita ko po kayo, ako rin nag-aabang ng mga EB na pwedeng makidaan ako lels
naipost ko na po ang mga blurred na pics hahaha
be blessed
hahaha! ayan dalawa na tayong makikidaan sa mga EB.. lels!
akalain mong naipost na ang mga pics, kainaman..
nice to meet you too.. til next time..
God bless pong-pong!
Post a Comment