Friday, July 29, 2011

Pigil na mga Luha

(ang blog entry po na ito ay pakiki-emo kay iyah_kin at pagtugon sa kanyang trip, ano man ang pagkakahawig sa mga tunay na pangyayari ito ay nagkataon lamang at hindi sinasadya... lels)

Sa tuwing kasama ka hindi pwedeng ako’y kimi
Sapagkat puso’t labi ko ay laging nakangiti
Puso’y lumulukso at sadyang hindi mapakali
Pag-ibig ko sayo’y hindi na nga maikukubli.

Ikaw ang pangarap na matagal ko nang minimithi
Tugon sa aking panalanging sa labi’y namutawi
Dahil sayo ako ngayon ay buo
Pagmamahal ko ang siyang pumuno.

Mahal”, ang sabi mo isang gabi,
Ikaw lamang ang mamahalin,
Wala nang iba akong iibigin
.”
Sa misis mong abot tenga ang ngiti!

Parang sinaksak ng tabak ang puso kong luhaan
Gusto kong mag-amok para sakit ay maibsan
Na habang kayo’y masaya sa piling ng isa’t isa
Ako’y nasa isang sulok, pigil ang mga luha.

15 comments:

J. Kulisap said...

Ganun ang pag-ibig, hangal, mapait masarap, mahapdi minsan din ay kupal.

Posible namang ipakita mong lumuluha ka dahil sa iyong pagtangi pero isipin mo, may luluha din bang iba.

Lingon ka kasi, baka may ibang nagmamasid, at nais punasan ang pinipigil mong luha.

bebejho! said...

tama ka kuli, meron ngang nakamasid... ung mga kalapati.. hehehe.. joke!

bakit nga ba ginagawa nating kumplikado ang pag-ibig.. hindi ba't ang pag-ibig ay matiyaga at mabait, hindi naiinggit, nagmamataas, hindi naghahangad ng sariling kapakinabangan... hindi nagagalak sa kalikuan kundi nagagalak sa katotohan?

talaga bang palalo ang pag-ibig o ang umiibig? :)

salamat sa pagbisita!

Edong said...

forbidden love ang drama... hehe, puno ng emosyon at hinagpis... bagay na bagay yung picture :)

tunay ngang masarap ang magmahal, ngunit kung may asawa na ang pag-uukulan ng pansin, good luck na lang... hehe

iya_khin said...

diba nagcomment na ako?! hmmmm....

iya_khin said...

nawala siguro...

salamat sa pagsali! saklap naman ng lablayp nya....

Arvin U. de la Peña said...

madami pa ang handang magmahal sa iyo.............

Arvin U. de la Peña said...

add ko na po ang blog mo sa blog list ko.. mga kuwentong chalk.......i hope ma add mo rin ang blog ko sa blog list mo..salamat..tell me kung ma add mo na ako..thanks..

Anonymous said...

like

bebejho! said...

@arvin... nalink na po kita.. salamat sa pagbisita.. :)

Pong said...

kapag pagod sa pag-ibig magpark lang muna
malay natin kapag nakapark dun masisilayan si mystery boy.xD

lab. lab. lab.

Anonymous said...

Talaga nga namang kalakip na ang luha pagpagibig na ang sangkot!

magaling!

hi bebejho!
bago dito :)

bebejho! said...

@pong: tama, sa piling ng mga kalapating mababa ang lipad nde ka luluha.. :)

@jayrulez: salamat po sa pagdaan.. :)

kikilabotz said...

ito po pala ang sikat na blog ni bebejho. ^_^ nakibasa po ..ang galing

kung tama ako ito ay isang mensahe sa isang bawal na pagibig tama po ba?

bebejho! said...

kikilabotz sikat talaga?! hahaha.. salamat po sa pagbisita...

mmmm.. tama naman po.. isang lihim na nagmamahal para sa isang lalaking nde na pwedeng mahalin.. :)

Anonymous said...

hanggat may tatsulok, laging may pusong matutusok at masasaktan.

nakikibasa lang po.