Isa sa mga ito ay si Mary Ann o si Me-ann o mas kadalasan kong natatawag na “neng”.
Si Me-ann ang sa palagay kong pinaka naging “close” ko sa mga kaibigang naipon ko sa GS. Naging classmate ko sya sa Human Resource Management nung 2005, at simula non naging super close na kami, tipong isang tingin lang magtatawanan na kami. Sa kanya ko unang nag open-up tungkol sa “first break up” ko. Ako kasi yung tipo ng tao na hindi sanay makipagkwentuhan tungkol sa personal na buhay ko. Pero naging ganon ako kakomportable kay Me-ann.
Siya rin ang kasa-kasama ko sa pagrereview nung panahon ng Comprehensive Exam at kasamang nagdasal na sana ay pumasa kami. Malaking bahagi ng buhay ko sa GS, si Me-ann ang kasama ko, at palagay ko naging masaya ang buhay ko sa GS dahil sa kanya. Siya rin ang kasama ko nung unang byahe ko sa labas ng bansa at nakasamang sumigaw ng Ginebra! Ginebra! Sa Araneta. Naging ka-close ko pati sila Mommy Bing at Papsy, maging si netchie at Kuya Louie.
Kaya lang sinubok ang aming pagkakaibigan dahil sa isang hindi pagkakaunawaan. Ilang taon din kaming hindi masyadong nagpansinan. Nawala yung dating closeness na nabuo namin. Sa isang iglap biglang lumayo ang loob ng isa’t isa. Malungkot ako noon. Sobrang lungkot. Minsan nang nasabi ni Me-ann na, ako daw yung parang kapatid na hindi naibigay ng Diyos sa kanya, kaya naging magkaibigan kami. Marahil ito yung dahilan kung bakit labis akong naging apektado ng mga pangyayari – dahil ayokong mawala ang kapatid na Diyos na mismo ang naglapit.
Isang imbitasyon ang natanggap ko noong Disyembre. Imbitasyon sa kasal nina Me-ann at Jegarr. Magkahalong saya at lungkot ang naramdaman ko. Masaya dahil sa wakas ikakasal na sila at naisipan nya kaming imbitahin (kasama si Jemuel ang bf ko na ka-trio namin ni Me-ann). Lungkot dahil baka hindi na sing close dung dati ang muli naming pagkikita.
Nung Sabado, Enero 16, 2010 naganap ang pag-iisang dibdib nila Me-ann at Jhigs at nung Sabado rin naganap ang muli naming pagkikita ni Me-ann. Masaya ko para sa kaibigan kong nakita na ang kaligayahan sa piling ni Pareng Jhigs na talagang pinaglaban nya sa buong pamilya.
Isang kabanata sa buhay ni Me-ann ang nagtapos at panibagong buhay naman ang magsisimula. At kasabay ng kanilang bagong buhay ay isang panalangin na sana ito na rin ang simula ng panibagong kabanata ng aming pagkakaibigan!
To Me-ann and Jegarr, cheers to a new life! Best wishes and God bless!
Ang Dyosa at ang Lambana
The newly wed
Our yellow-orange-fuschia pink gift