Thursday, July 21, 2011

Atty. Magtanggol

Matagal din akong nagnasa sayo, akala ko nakalimutan na kita dahil naging busy na ako sa Masteral ko. Totoo nga ang mga kwentong barbero, mahirap ang lumimot.

Ilang taon na din ang nagdaan, hindi na kita naiisip. Hindi na ko nagpapakabaliw sayo. Hindi na ko search ng search sa internet na parang stalker. Masaya naman na ako sa mga bagong pinagkakaabalahan ko. Nakalimutan na kita... Akala ko.

Maayos naman na ako, pero bakit muli mo na namang ginugulo ang isip ko? Nahahati ang puso ko sa ano ang dapat na gawin ko. Manghihinayang ba ako kung hindi ako susubok? Pagsisisihan ko ba kung sumugal ako sayo? Bakit ba hirap akong limutin ka?

Kaninang umaga lang, naiisip na naman kita. Magkahalong saya at kaba ang naramdaman ko. Muntik pa nga akong lumampas sa bababaang kalsada kakaisip sayo. Ano na naman ba ang nakain at muli’y nagbabalik ka?

Nae-excite ako isipin ko palang na makakasama kita, mga plano at gagawing kasama ka. Pero natatakot ako baka hindi rin naman magtagal at mabigo lang din ako. Mula sa malayo, parang ang saya. Pero pag lumapit na, nakakakaba at halos lumukso palabas ng rib cage ang puso ko.

Alam kong hindi na ganon kadali ang sitwasyon ko sa ngayon. Hindi na basta ginusto ko eh magagawa ko na. Marami na ang nagbago simula nu’ng unang araw na gumising akong gusto na kita. Sana noon pa pala, sumugal na ako. Sana noon pa sumubok na ako nang hindi ko nararamdaman ang ganito ngayon.

Hindi ko na alam kung ipagpapatuloy ko pa ang pagnanasang dati’y suma-akin na ngayo’y heto't nagbabalik. Aabutin na ba kita ngayon o mananatili ka na lang pangrap na tatanawin mula sa malayo? Isang pangarap na habambuhay na kukutkot sa isipan ko?

Case dismissed.

6 comments:

Edong said...

astig!

nakakaintriga... hehe, kilala ko ba to?

PaQ said...

Dismissed na pero sino ang nanalo? Hehe.. :D

bebejho! said...

bossing, nakakaintriga talaga? kilala? mmmm...

pabloq, salamat sa pagdaan.. sa ngayon wala pang sagot.. kailangang pag-isipang mabuti... musta naman ang jowaring? lels

J. Kulisap said...

kung kaya mo naman bakit hindi.

sabi nga hindi mo naman masasabi na kaya mo kung hindi mo susubukan.

Atty? Ako na ang magkakaroon ng Atty..kung sakali.

yildizname said...

hello nice blog nice blog thanks

koç burcu said...

nice blog nice blog