Nasa ikatlong baitang ako nu’ng gawin namin ang stage play na “The sheperd boy who cried wolf”. Ito yung kwento nung isang batang pastol na para hindi mainip eh nagsisisigaw ng “Wolf! Wolf! Wolf!” at matataranta ang mga taga baryo para saklolohan sya. Cool diba?
There once was a shepherd boy who was bored
as he sat on the hillside watching the village sheep.
To amuse himself he took a great breath and sang out,
"Wolf! Wolf! The Wolf is chasing the sheep!"
Pinakabisado sa buong klase yung buong kwento ng dulang ito at pipili ang aming guro kung sino ang isasali sa palabas. Dahil hilig kong sumali sa mga extra curricular activities nu’ng bata ako, buong puso kong sinaulo ang dula. Binibigkas ko sya habang naglalampaso ng sahig, habang naglalaba ng lampin ng bagong silang kong kapatid, habang naghuhugas ng pinggan at habang nasa trono para lang matiyak na kabisado ko na nga buong piece.
Later, the boy sang out again,
"Wolf! Wolf! The wolf is chasing the sheep!"
To his naughty delight, he watched the villagers
run up the hill to help him drive the wolf away.
Dumating ang araw ng paghuhukom at isa-isa naming ni-recite ang kwento ng “The shepherd boy who cried wolf”. Labing-lima ang kailangan para sa cast ng dulang ito. At yehey naman dahil kasama ako sa casting! Asteeg!
Later, he saw a REAL wolf prowling about his flock.
Alarmed, he leaped to his feet and sang out
as loudly as he could, "Wolf! Wolf!"
Sa haba nang kinabisado ko, wala ni isa man lang sa mga salita ng “The shepherd boy who cried wolf” ang nasabi ko sa buong palabas. Labing-lima ang tauhan, 1 batang pastol, 9 na tao sa baryo, 1 asong gubat at 4 na tupa. Oo tama ka, isa nga akong tupa na walang ibang dialogue kundi “meee-mee-meee”. Pero infairness maganda ang costume namin, mabalahibo.
We'll help you look for the lost sheep in the morning," he said,
putting his arm around the youth,
"Nobody believes a liar...even when he is telling the truth!"
Muling nanumbalik sa alaala ko ang dulang ito noong nakaraang linggo. Matapos kasi ang SONA ni PNoy ay napabalita namang isinugod sa hospital ang dating Pangulong Arroyo dahil sa stiff neck este “pinched nerve” pala. Kung minsan ‘pag nasanay na ang mga tao sa mga pagsisinungaling mo, mahirap na para sa kanila ang maniwala ulit. Mahirap na maibalik kapag tiwala na ang nawala.
Nalulungkot lang ako para kay GMA, na dahil sa mga ginawa nya noon, hirap na ang mga Pilipinong paniwalaan sya kahit pa buwis-buhay na ang eksena nya. Ito marahil ang kabayaran para sa mga taong mas pinili ang kalikuan kesa matuwid na daan. Ang aral ng “The shepherd boy who cried wolf” ay tumatak sa isip ko at talagang hindi ko malilimutan lalo na ang dialogue ko. (Hirap nun nakakatuyo ng lalamunan, try nyo!)
VOICE Lesson 3: Truth and Honesty
Mabuting asal ay sisikapin,
Pagiging totoo ay gagawin
Ginawa ako ng Diyos na katangi-tangi
Lahat ng nais Niya ay ikabubuti
Nasa Diyos lamang ang pag-asa
At ako ay kakasiyahan Niya!
(Ako na ang values teacher!)
5 comments:
at ikaw na nga ang tupa... :) maamo kasi ang personalidad mo, bagay na bagay sa isang tupa... dati rin namin ginawa ito, pero di ako kinuhang tupa, magiging black sheep daw kasi ako... hehe
tungkol naman kay GMA... Put#%*@?$ talaga!!!
hahaha! at talagang ako ang maamong tupa... nde ata satisfied ung teacher namin sa conviction ng speech ko kaya inilagay ako sa tupa role.. dun daw bagay ang boses ko.. hehehe..
salamat boss sa pagbisita!
Ano nga ulit ang pinched nerve?
Hindi ko magawang magalit kay Gloria dahil hindi naman sapat na dahil ako ay nagbabayad ng buwis ay huhusgahan ko na rin siya pero sa dami ng mga alegasyon sa kaniya, eh sana yong mga paghahabol ay mauwi sa mas magandang Pilipinas. Hindi naman masamang umasa.
:)
Cabalen ko si GMA, maging kadistrito. Marami siyang nagawang mabuti pero naniniwala akong marami ding hindi. Magulo at madumi ang pulitka, isnag sistemang kahit banggain ay di kayang magiba dahil sa utak wang-wang, sa totoo lang matagal ko ng iniisip mam na Diyos lamang talaga ang kulang ng Pinas, yung Diyos na hindi pangdisplay lang. Blessed is the nation whose God is their Lord.
Ikaw na ang nag-eenjoy sa pagtuturo.
sang ayon ako sa sinabi mo pong.. mayaman ang Pilipinas sa likas na yaman pero salat ang ating puso para sa pagsunod sa ating Diyos.
section one ang hawak kong klase at lagi kong bilin sa kanila na
intellect + values = good leader
Be blessed pong! :)
Post a Comment