Thursday, January 7, 2016

Unsent Letter


May nagbabalik... Nakita ko lang 'tong entry na naka-pending.. Tatlong buwan mula nang pumanaw ang nanay ko... Unang post ng taon, para sayo 'Nay! :) But technically, this was 3 years ago.. :)
________________________________

May 12, 2012

Dear Nanay,

Sakto tatlong buwan na pala simula nu'ng umalis ka. Pakiramdam ko lampas tatlong dekada na ang nakaraan, sobrang miss na kasi kita. Pasensya ka na kung patuloy pa rin ang pagluha ko sa tuwing maaalala ka. Kamusta ka na d'yan? Maganda daw sa lugar na pinuntahan mo. Nababalot ng ginto at araw-araw ang piyesta. Alam ko masaya ka d'yan at paniguradong marami ka nang kaibigan. Tatlong buwan... Parang ang dami nang nangyari buhat ng umalis ka.

Naging masaya 'yung 1st birthday ni Seth tulad ng gusto mo. Tama ka nga dapat talaga may clown. Kahit hindi pa nakakapagsalita si Seth, alam ko hinanap ka nya nu'ng birthday nya. Ikaw naman kasi umalis ka agad. :-) Isa pa, lumipat na ako ng opisina. Saka, mukhang tuloy na ang pag-aaral ko ng abogasya. Pumasa na kasi ako sa entrance exam at interview. Lalo kitang namiss kasi alam kong matutuwa ka na naman sa 'kin kahit pa sawang-sawa ka nang nag-aaral ako. Alam mo namang ikaw ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. 'wag kang mag-alala, mag-aasawa din naman ako. :-) Napasyal ako dun sa kinainan natin dati, hindi ko maiwasang maiyak. Parang kasing nakikita ko pa yung masasayang picturan natin. 'yun na pala yung huling labas natin. :-( Ang dami kong gustong ikwento sayo, naipon na kasi sa loob ng tatlong buwan. Hindi ka na kasi tumatawag katulad ng dati.

Sana ikaw pwede ka ding sumalat ng liham para sa akin. Maibalita yung mga ginagawa mo dyan.. Siguro madami ka na namang kaibigan dyan no? Pinatatawa mo na naman sila sa mga kwento mo. Ibinibida mo na naman kami sa kanila..

Sana nga makaabot sa langit 'tong liham ko... Kasi sobrang miss na kita... :'(

Mahal na mahal kita 'nay!

Ang pinakabibo mong anak, :)
Bebejho!

2 comments:

tadong daniel said...

Hayyy. Sana ngayon hindi ka na masyadong malungkot tulad ng dati. Masakit talaga. Pero kailangan nating tanggapin. Smile lang lagi. Gusto ng nanay natin na masaya tayo. Make your mama proud sa pag-aabugasya. :)

Bebejho said...

Yo! Naku may nagbabasa pa pala ng blog ko.. hehe salamat po sa pagdaan tadong daniel ��