Elementary ako nu’ng una kong nahilig magsulat. Iba-iba pa ang naiisip kong isulat noon. May tula, may sanaysay, maikling kwento at minsan balita. Kaya nu’ng nagkaron ng “screening” para sa journalism sa school namin eh hindi na ko nagdalawang isip na sumali.
Una kong sinalihan ang “Copy-reading and Headlining” sa tagalog eh Pagwawasto at Pag-uulo. Alam ko kaya ko ang kategoryang ito, madalas kasi kong magbasa ng dyaryo nu’ng bata ako. Kaya lang hindi ko alam na dapat pala broadsheet ang binabasa ko at hindi Abante-Tonite, kaya ayun pang bangketa tuloy ang paraan ng pagsulat ko at hindi ako napili.(hehehe) Dun ko din naisip na nde pala standard ang paraan ng pagsusulat ng mga balita sa tabloid. (standard ng school namin)
Sinubukan kong muling sumali sa “editorial and feature writing”, kaya lang hindi ko malaman kung bakit nu’ng mga oras na iyon eh walang “feature” sa isip ko. Wala akong maisulat. Ending, hindi ako nakasali sa journalism.
Pero hindi sumuko ang adviser namin, si Gng. Fresnosa, nanghihinayang kasi siya sa ganda ng sulat ko (as in sulat-kamay) kaya sinubukan nya ako ulit. This time, sports news naman. Binigyan nya ko ng konting facts the usual “wh” question. Gumawa ako. Alam ko hindi pa rin sya kuntento sa sulat ko pero tinanggap na nya ko bilang miyembro ng “Ang Tanglaw”, yan ang official school paper namin nung elementary.
Yung training na binibigay sa miyembro ng journalism noon ay paghahanda na rin para sa taunang kumpetisyon na nilalahukan ng lahat ng elementary public school sa Caloocan City. Dumating ang kumpetisyon, kabado ako nun. Ako kasi ang pinakahuling natapos sa pagsusulat. Kung bakit kasi double-space pa dapat ang pagsulat, kailangan mo tuloy mag skip ng isang line sa papel para masabing double-space sya, lagi tuloy akong umuulit. Natapos ang lahat, at syempre awarding na.
Sa lahat talaga ng patimpalak, laging merong “crowds favorite” yung tipong kahit hindi mo pa basahin ang gawa nya eh alam mong mananalo sya. Huling category ang sports news kaya doble ang kaba ko, yung mga kasama ko kasi may mga medal na ako na lang ang wala. Syempre gusto ko mang umasa eh parang inuuto ko lang ang sarili ko nun. Hindi naglaon dumating ang “moment of truth” ko.
Walang pagsidlan ng tuwa ang puso ko nung banggitin ang pangalan ko bilang 1st Prize 14th Young Writer's Conference Award for Sports News Writing. Tiningnan ko yung adviser namin bago ko umakyat ng stage. Yung mayuming ngiti nya ang naging selyo ko noon para pagbutihan pa ang pagsulat. Umabot ako hanggang regional level. Ako na lang ang natira. Nung nagtapos ako ng grade school, binigyan ako ng special award bilang “Journalist of the Year”.
Hindi ko na noon inisip na para sa akin ang pagsulat. Ilang beses akong sumubok, nagtangka at nagpumilit. Pero puro hiya at lungkot ang nararamdaman ko ‘pag nabibigo ako. Blessing in disguise nga kong ituring ko ang pagkakapanalo ko noon. Wala akong bilib sa pagsulat ko, kaya malaki ang utang na loob ko sa adviser ko na nagtiwala sa kakayahan ko, at nagbigay ng lakas ng loob para muli akong sumubok at magtagumpay.
Kay Gng. Leonides Fresnosa, san ka man ma’am, super thank you po!
At kay Bossing Edong, maraming salamat din sa paniniwala mong may talento nga ako sa pagsulat. Sana nga meron! :)
2 comments:
naks... hindi ako nagkamali sa hinala kong may itinatago kang talento sa pagsulat. Bigatin ka pala talaga...
*clap*clap*
Wow! Awardee ka pala eh.. Galing galing naman
Magaling ka naman talagang magsulat jho... proven yan lalo na sa mga Research papers natin..
Di lang sa pagsusulat ka magaling.. pati sa pagpapayo.. :D
Post a Comment