Thursday, December 3, 2009

Bayani

Ilang linggo na ring laman ng balita ang pangalan nina Manny Pacquiao at Efren Penaflorida bilang mga bagong bayani ng ating bayan.

Mga bayani sila sa kani-kaniyang larangan.

Si Pacman bilang kauna-unahang Pinoy na kampeon sa pitong dibisyon ng boxing (light welterweight, lightweight, super featherweight, featherweight, super bantamweight, flyweight, at kasalukuyang welterweight champion) at si Efren bilang 2009 CNN Hero of the Year dahil sa kanyang pambihirang adhikain na makatulong sa mga kapus-palad nating kabataan sa pamamagitan ng kanyang kariton classroom.



Bayani dahil sa karangalang ibinigay nila para sa ating bansa at sa taos-pusong pagtulong sa kapwa.

Marami din akong nakitang bayani noong panahon ng bagyong Ondoy at Pepeng. Lahat may iisang damdamin, sentimyento at layunin - ang makatulong sa kapwa.

Sabi nga ni Kuya Ef (naks! feeling close), lahat tayo ay may bayaning itinatago sa ating mga sarili, kailangan lang natin mahanap sa kaibuturan ng ating puso kung ano at paano tayo magiging bayani.

Ilang buwan na lang at eleksyon na. Maraming mga bagay ang nagpapabilis ng tibok ng puso ko. Nariyan ang karahasan dahil sa kapangyarihan, ayaw mawala sa kapangyarihan, at mga ganid sa kapangyarihan.

Ilang buwan na nga lang… Sana sa May 10, 2010 ipakita natin ang ating kabayanihan sa pamamagitan ng pagboto sa mga taong karapat-dapat at may malinis na hangarin para sa ating bayan. Simulan natin ang pagbabago sa tamang pagpili ng kandidato.

Maging mapagmasid. Buksan ang isip. Manalangin!

Maging Bayani! :)

3 comments:

J.Kulisap said...

Sino ang dapat naming piliin Binibini?

May pwede ka bang i-endorso? Kung mayron man. Bakit po.

Iba-iba ang layunin natin sa mundong ito.

Kahit sa maliit na pamamaraan, kapag ginawa para sa kabutihan-yon ay isa ng kabayanihan.

bebejho! said...

salamat sa pagdaan j kulisap.. :)sino ang pipiliin? para sa akin nde importante kung sino ang napupusuan ko... mas makatutulong kung ikaw mismo ang tumuklas kung sino ang para sa iyo ay karapatdapat at h'wag magpapaimpluwensya sa naisin ng iba.. maging mapanuri...

tama ka na sa maliliit na bagay maaari kang maging bayani.. ang ang pagboto ay isa sa kabayanihang maaari mong magawa para sa naghihingalong Inang Bayan.. sa eleksyon lahat tayo pantay-pantay wala mahirap walang mayaman.. walang matalino at bobo.. ang bilang ng boto mo ay isa kapareho din ng sa akin at sa kanya..

sino ba ang pipiliin? ano ba ang hanap mo sa isang lider? ikaw lang ang nakakaalam... :)

J.Kulisap said...

Suabalit kong ako ay sakaling naliligaw sa pamimili dahil sa impluwensya ng aking kapaligiran,mas mainam na magdikta ang mas may maliwanag na pagtingin, ang may mas malawak na kaalaman- ito ay dapat na ibahagi para magabayan ang mga naliligaw kaysa naman tuluyan ng sumuko.

Maligayang Pasko Binibini