madeline (guest): hindi ito kailangan ng gumawa nito. hindi rin ito kailangan ng bumili nito. Ang gumagamit naman nito ay walang kamalay-malay na ginagamit na niya ito.
Ito yung tanong ni madz sa QB sa chatroll kahapon. Leading ang team BEBEPATO. Natetense ako habang tinatayp ang sagot sa tanong ni madz. K-a-b-a-o-n-g enter! Ayaw. K-a-b-a-o-n-g enter! Ayaw pa din. C-o-f-f-i-n enter! Biglang nawala ang chatroll. Sa sobrang tense, dahil house and lot ata ang premyo sa QB ni madz, naisip kong itext sila tong at PaQ nang bigla kong maalala na wala pala akong cellphone number nilang dalawa. Kaya naisip kong i-message na lang si PaQ sa FB.
Pero dumoble ang tensyon ko nang isang officemate ang tumayo at nagsabing “uy wala na daw si Amber” habang nagpipigil ng luha. Natigil ang lahat. Tumigil na din ako kaka-refresh ng chatroll at naisip ko ang kabaong.
Anak ng officemate ko si Amber, apat na taon palang sya. Bibo, malusog at magandang bata. Nasa prep na sya ngayon sa Notre. At dahil unang beses mag-aaral, excited pareho si Amber at ang mommy nya, yung officemate ko, at palagay ko pati ako. Lagi ko kasing tinatanong ang officemate ko kung meron na syang picture ni Amber na naka-uniform. Ganon kasi ako sa mga pamangkin ko at natutuwa talaga ako sa mga bata na nagsisimula ng mag-aral at naka-uniporme na. Kaya lang lagi nyang nalilimutan, kaya hanggang ngayon hindi ko pa nakikita si Amber na naka-uniform.
Dengue ang ikinamatay ni Amber. Halos araw-araw nang nasa balita ang notorious na dengue na animo’y naging epidemya na. Bawat baryo o lugar ata ngayon sa Pilipinas ay may kaso ng dengue. Si Amber ang kauna-unahang kakilala ko na namatay sa dengue. May mga officemates din ako na na-dengue ang mga anak pero naging ok naman. Kahit ang kuya ko na minsan ding na-confine dahil sa dengue eh gumaling din naman. Kaya nalulungkot talaga ako para kay Amber.
Hanggang kagabi iniisip ko ang kabaong, kung pumasok ba sa chatroll ang sagot ko o nakita na kaya ni PaQ ang message ko.
Kabaong. Marami ang takot sa usaping kabaong. Kadikit nito kasi ang usapin ng kamatayan, at palagay ko marami pa rin ang hindi pa masyadong kumportableng pag-usapan ang ganitong bagay. Hindi ko alam kung takot ba tayong mamamatay o takot tayong maiwan ang mga kayamanan. Lels Sabi nga ni j.kulisap masyado daw kasing close ang bonding ng Filipino families at emosyonal kaya parang mahirap ang bumitiw. At talaga namang nagpapalungkot sa atin maisip palang natin na may mamamatay sa mga kaibigan, kakilala o kamag-anak natin.
Pero kung iisipin, araw-araw ay 50-50 lagi ang tsansa natin para mabuhay o di kaya ay mamatay. Kung sa umaga dumilat pa ang mata mo, congrats! Kung natapos ang araw na may hininga ka pa, winner! Walang sinuman ang makapagsasabi kung hanggang kailan na lang ang buhay ng isang tao. Hindi kasi natin kontrolado ang mga pangyayari at hindi natin hawak ang buhay natin. Sabi nga, pahiram lang ang buhay na meron tayo, nasa Kanya na kung kailan Nya babawiin.
Hindi naman dapat katakutan ang usapin ng kamatayan, dahil katulad ng monthly period ng mga babae, darating at darating tayo dun. Una-unahan lang kumbaga. Ang tanong, handa ka na ba? Ano bang buhay ang maikukwento mo sa Kanya?
Let’s live each day as if it is our last day on earth. Live it well. Live it wisely. Live it for the King!
Bye Amber, thanks for the hugs and kisses... salamat sa pagkembot! 'til we met again!
8 comments:
hindi ko man kilala si Amber, lubha akong nalungkot dito sa kwento mo... :(
tama ka bossing... nakakalungkot talaga..
nalimutan kong banggitin, buntis ngayon ang mommy ni Amber...
:(
Deep sigh. Pak, english yon ah.
My condolences to the family.
Ka-gandang bata o. Bye Amber.
condolence po sa kaopismayt mo...haaay....napakabata pa nya...
di talaga natin alam ang takbo ng buhay..minsan akala mo ok ka tapos mamaya tigok kana..
dapat lang talaga laging handa...handa sa pagharap sa KANYA...
nakakalungkot naman ire..
amber paalam...
buhay nga naman :((
sad sad sad..
ang bata pa ni amber
all will be well lalo na sa pamilya niya.
take care always guys lalo na sa mga lamok,
be blessed po!
death is overcome by our Lord. death has no sting in Christ Jesus
aww! ngayon ko lang nabasa toh.. pero until now nalulungkot pa rin ako sa pagkawala ni amber... bago kasi ako mag-maternity leave nakasama pa namin sya sa binyagan ng anak ni soling...as usual, isang amber na mahilig sumayaw at magtago sa likod ng nanay nya sa tuwing nahihiya... hays kalungkot...
hello nice blog
Post a Comment