Wednesday, July 1, 2009

Noon.....Ngayon

Graduate ako ng public schools, mula kindergarten hanggang Masteral degree. Noon hindi issue kung saan ka nagtapos, mas madalas nga mas astig ka kapag sa state university ka graduate ng kolehiyo.

Naaalala ko nung kinder ako, isang mahabang table lang ang klase namin noon. Maluwag ang classroom. Minsan nga nakakapaglaro pa kami ni Mimi (trivia: si Noemiline o Mimi yung kauna-unahang kaibigan ko sa school) sa ilalim ng table ng bahay-bahayan kapag wala ang teacher namin. Minsan nakakapagtakbuhan pa kami sa loob ng room ‘pag pinapatawag ng prinicipal ang guro namin. Maaliwalas ang room namin noon. May birthday corner, hygiene corner, at bawat corner may nilalagay na dekorasyon ang teacher namin.

Ganito ang classroom ko hanggang matapos ako ng grade school. Masaya ang grade school days ko. Kakaunti palang ang estudyante noon kaya hindi kami nag uunahan sa pagpulot ng kaalaman mula sa mga guro namin. Maaliwalas pa rin ang classrooms namin at naliligo naman kaming lahat bago pumasok sa school. Masaya ang mag-aral sa public school noon. Noon kasi, nasa public school ang magagaling at de-kalidad na mga guro ng Pilipinas. Kaya mas gugustuhin mong mag-aral doon, bukod sa mababang tuition, mahuhubog din ang “common sense” mo kapag sa public ka nag-aral.

Noon yun. Kamusta na kaya ang public school ngayon?

Kagabi, napanood ko sa Correspondents yung isang elementary school sa Payatas. Hanga ako sa teacher na matiyagang natuturo sa mga bata, napapahanga ako dahil sa dami ng estudyante nya eh hindi pa nya naiisipang lumipat ng eskuwela na pagtuturuan o mag iba na lang ng career. Pero saglit lang yung paghangang iyon, dahil lubos akong nalungkot sa kalagayan ng mga bata sa Payatas. Hindi ko maisip kung paanong nagkasya ang 150 students sa isang classroom? Hindi ko maisip kung paano nakakayanan ni Teacher ang ganon kalaking bilang ng estudyante? Kami nga noon, kaunti lang sa classroom pero pag nag ingay kami na stress-out na ung teacher namin, lalo na siguro ang 150 na nagbubulungang bata. Kaya hindi talaga nakapagtataka na hanggang sa ngayon ay hindi alam ng mga bata ang spelling ng B-E-A-T-I-P-U-L este B-E-A-U-T-I-F-U-L.

Malaki pa rin ang tiwala ko sa edukasyon, lagi kong sinasabi sa kapatid kong bunso na talagang edukasyon lang ang makakapitan nya pagdating ng panahon. Naalala ko yung nakasulat sa isang corner ng room namin, “Education is the key to success.” Naniniwala pa din ako dito.

Nakalulungkot lang talagang isipin na patuloy ang pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Isipin mo na lang ang Payatas na may 150 estudyante bawat classroom, ano na lang ang matututunan ng mga batang iyon? Alam ko, isa lamang ang Payatas sa mga public schools na may ganitong sitwasyon.

Sana h’wag na nating antayin na dumating ang panahon na maraming bata ang pumapasok na lang sa school at kakaunti na lang ang nag-aaral. Isa sa karapatan ng bata ayon sa Konstitusyon ang magkaroon ng magandang edukasyon, are we violating this right of children by not giving one?

Sana maibalik ang noon, pagdating sa edukasyon para maging maganda ang ngayon ng mga bagong kabataang pag-asa ng bayan!

4 comments:

Edong said...

pinapahanga mo ako sa paraan ng pagsulat mo...

noon at ngayon, mananatili akong tagahanga...

:)

About Me said...

Isa sa mga gusto kong makamit ang maging isang guro.. sa grade school. Totoo ang mga nabanggit mo.. dati maganda at de-kalidad ang edukasyon ng mga public school... noon

Ngayon, nawawala na ang kapangyarihan nitong maghubog ng wastong kaisipan sa mga kabataan. Maaring dahilan narin ang kahirapan, kakulangan ng budget sa mga pam-publikong paaralan. Kasama narin dyan ang mga mababang pasahod sa mga guro na nagiging dahilan upang magdesisyon silang mangibang bansa nalamang.

Kaawa-awa ang kinahinatnan ng edukasyon sa pilipinas ngayon.. ako.. gusto kong maging bahagi sa pagbabago.

randy said...

paki lagay naman yung totoo mung pangalan kasi napili ko ung article para sa project namin kaya lang kailangan ng buong pangalan ng author... plz post your real name....

JUSTICE said...

Naniniwala ako sa mga nilalaman ng iyong salaysay. Noon at ngayon tlaga ay napakalaki ng pagkakaiba. Sana lang, hindi lahat ng guro sa public ay tuluyang malugmok sa pagiging traditional way nila ng patuturo. Sa ito, na sumulat ng akdang ito, Binabati kita sa mahusay na paraan ng iyong pagsusulat. Nakakagising ng tulog na diwa.marami pang artikulo ang iyong isusulat. God Bless.!