Thursday, June 11, 2009

ako ang simula!



Last month ko pa natapos basahin ang bagong libro ni Bob Ong, ang Kapitan Sino. Gaya ng dati, color-coded din ang ika-pitong libro na kulay black-silver with white print. Matapos ang MacArthur, ang Kapitan Sino ang ikalawang aklat ni BO na nagpapakita ng totoong problema ng Pilipinas. Magaan at tulad ng dati, kwela pa rin ang paglalahad ng kwento.

Para sa akin, si Kapitan Sino ay sumasalim sa bawat mamamayan ng Pilipinas. Tama si Aling Hasmin (isa sa mga tauhan ng kwento), hindi mo kailangan ng pangalan para tumulong sa kapwa. Hindi mo kailangang maging superhero para makatulong, lalong hindi rin kailangang maging presidente o pulitiko para maging solusyon sa problema. Bawat isa sa atin ay may mahalagang papel na dapat gampanan tungo sa pagbabagong hinahangad natin.

Kahapon ay naganap ang pakikipagtulungan ng aming kumpanya sa Boto Mo, I-patrol Mo: Ako ang Simula, isang campaign drive ng ABS-CBN bilang paghahanda sa nalalapit na 2010 Election. Layunin ng proyektong ito na mabantayan ang eleksyon, mai-report ang mga magsasamantala at mandaraya sa eleksyon. Isa itong "people power with a new technology" ayon kay Maria Ressa (Head-ABS News and Current Affairs).



Siguro nga, dito tayo pwedeng magsimula. Ito ang unang hakbang para makapagbigay, ng hindi man malaki, kahit konting pagbabago sa Pilipinas. Sa eleksyon, lahat tayo pantay-pantay. Ito ang pagkakataon natin para pigilin ang mga taong may sariling interest laban sa interest ng nakararami.

H'wag na tayong maghintay sa isang bayani. Ako ang Simula. Ako si Kapitan Sino!

________

"hindi ka bayani dahil sa kaya mong gawin, bayani ka dahil sa mga ginagawa mo!"

1 comment:

J.Kulisap said...

Wala pa rin akong kopya ng kapitan sino ni bob.

Pwede pa akong tumanggap ng regalo.

hahaha.