Saturday, June 6, 2009

6th Book: MacArthur

(originally posted on August 06, 2007)




Last month ko pa nabili ang bagong libro ni Bob Ong, ang MACARTHUR sa Fullybooked Gateway, P100 lang. Pagkabili ko binasa ko agad (tapos binasa ko ulit kagabi).. Last year ko pa kasi inaabangan un kahit na alam kong 1 year late laging mag release ng libro si Bob Ong.

Manipis lang ang libro. Kayang basahin ng isang oras habang nag scrabble or nakikipag chess. Excited akong binuklat ang unang pahina. Parang batang binigyan ng ice cream.

Habang binabasa ko ang aklat, tiningnan ko ulit kung Bob Ong nga ang nakalagay sa author. Para kasing hindi si Bob Ong ang sumulat. Kumpara sa limang naunang libro, iba ang banat ng ika anim na libro.

Simula palang ng aklat, alam mo nang hindi pangkaraniwang akda ni Bob Ong ang aklat. Fictional ang MACARTHUR. Walang bahid ng imahe ni Bob ang makikita sa libro. Tanging pag uusap lang ng mga tauhan ang masasalamin sa katauhan ni Bob Ong (dati sigurong adik si Bob Ong? hehehe). Puro murahan. Realidad ng lipunan ang makikita mo sa loob ng libro.

Habang nauubos ko ang pahina ng libro, parang bumibigat ang dibdib ko.. Asan na ang mga kabataang pag asa ng bayan? Sa huli, mapapatanong ka "bakit sila nagkaganon?"
MACARTHUR is one of my favorite Bob Ong books. It touches my heart. It's one of kind... Rockan-rockan na!!! \m/
_____________
“Mga bata pa kayo. Pag pinaniwalaan namin kayong hindi naglalaro ng tubig kahit na basang-basa ang mga damit ninyo, kayo ang niloloko namin. Hindi kayo ang nakakapanloko” -p.85, MacArthur

No comments: