Saturday, June 6, 2009

Munting Kasiyahan

originally posted on February 06, 2007

Game 6... Araneta Astrodome, 2pm

18,377 paying attendees... At isa ako sa record breaking stats na yan ng PBA. Syempre I'm cheering for Barangay Ginebra Kings.

Lumaki ako sa pamilya na mahilig sa basketball at Ginebra fanatics. Mula sa tatay, nanay at mga kuya, ate, ako at ang bunso. Lahat kami GINEBRA lang ang alam isigaw. Iba ang pakiramdam pag nanalo ang team namin... Para bang me balato kami sa mga sahod na nakukuha ng bawat player. Para bang sisikat din kami pag sumigaw kami ng GINEBRA! At para bang kami ang team manager ng Gins... Wala lang... Masaya lang talaga pag panalo kami!

Crucial game ang Game 6 ng semis. Although lamang kami (as in kami noh) sa series to the tune of 3-2, nakakakaba pa din ang game na 'to lalo na malakas ang kalaban at injured pa si Major Pain. Kung kailan ba naman kasi semis na saka pa nakipagrambolan itong si Menk.. :-)

Exciting ang game. Palitan ng lamang. Hindi man naging ganon ka productive sina Caguioa at Helterbrand, still Gin Kings proved that they can win kahit wala masyado stats ang dalawang key players nila. At napatunayan din ng Kings na kaya nila despite all odds.

Masaya. Masaya. Talagang masaya. At bilang ganti, me picture kami ni Team manager... hahaha!



Congrats Gin Kings!!! Good Luck sa finals!

No comments: